LizQuen fans, imbiyerna sa pagkakatsugi ng love team sa MMFF movie ni Kris Aquino

LizQuen fans, imbiyerna sa pagkakatsugi ng love team sa MMFF movie ni Kris Aquino

Liza-Soberano-Enrique-GilMARAMI ANG naimbiyerna nang tsinugi sina Liza Soberano at Enrique Gil sa Metro Manila Film Festival movie nina Kris Aquino and Mayor Herbert Bautista.

Kris posted this message, “#‎MMFF2015 movie ‪#‎PamilyangLoveLoveLove ‪#‎LizQuen is OUT, ‪#‎KimXi is IN with Kris, Herbert & Bimby.”

Mukhang mas pinaboran ni Kris sina Kim Chiu at Xian Lim kaysa kina Liza at Enrique. Alam naman ng lahat na best friend ni Kris si Kim, so inaakala nila na may kinalaman si Kristeta sa pagkatsugi kina Liza at Enrique.

“Sayang na man mis kris out cla lizquen.”

“Why Ms. Kris d na Sina LiZQuen. Excited pa me naman.”

“Oo nga excited panaman ako. Sayang pro oky lng sobrang bc din ang lizquen.”

‘Yan ang say ng mga LizQuen fans.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas