Liza Soberano at Enrique Gil, sisimulan na ang bagong serye

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, sisimulan na ang bagong serye

Liza-Soberano-Enrique-GilACTION SPEAKS louder than words ang relationship mayroon sina Liza Soberano at Enrique Gil. Hindi na kailangang tanungin kung saan papunta ang kanilang friendship. Obvious naman na magiging sila dahil kitang-kita ang ebidensiya kung gaano sila ka-close.

Ayon kay Enrique, everyday nagpapalitan sila ng text messages ni Liza through private message kapag hindi sila magkasama. Palaging may I love you itong mensahe sa young actress na labis na ikinatutuwa ng dalaga. Hindi siya bibitiw sa friendship na mayroon sila hanggang mag-18th birthday si Liza. First time lang na-develop nang ganito si Enrique sa kanyang leading lady. Maging ang dalaga, nahulog na rin ang loob niya sa hunk actor.

Lalo pa ngayong super hit ang pelikula nina Liza at Enrique na Everyday I Love You ng Star Cinema. Hindi nagpaapekto ang dalawa sa mga negative issue na naglabasan sa kanila. Hawak-kamay silang hinarap ito at hindi bumitiw sa trial na dumating. Ang labis pang ikinatutuwa ni Enrique, hindi siya iniwan ni Liza sa kabila ng lahat. Nang dahil sa big success ng movie nila, may bago na naman silang movie project together bukod pa sa teleseryeng gagawin nila sa Kapamilya Network.

Ngayon pa lang excited na sina Liza at Enrique sa role na kanilang gagampanan sa bago nilang soap. Nasabi na sa kanila ang character kaya’t ibayong paghahanda ang gagawin ng dalawa. Mag-aaral ang actor mag-gitara at si Liza naman magpapaturo ng Italian language. This coming December, mag-uumpisa na silang mag-taping. Ang balita namin, first quarter ng 2016  ipalalabas ang bagong show ng LizQuen.

ADVERTISING

Napabalitang may plano ang Star Cinema na pagsamahin ang magkaka-loveteam na sina Liza-Enrique, Daniel Padilla- Kathryn Bernardo, at James Reid-Nadine sa isang pelikula. Para sa LizQuen, walang magiging problema sa kanila maging sa kanilang mga fans. Looking forward sila na sana raw matuloy ang project. Nagbigay rin ng pagsang-ayon ang fans ng KathNiel at JaDine, willing silang sumuporta sa big budgeted movie ng tatlong sikat na loveteam.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING