Liza Soberano, walang reklamo kahit walang tulog

Liza Soberano, walang reklamo kahit walang tulog

Liza-SoberanoSA MGA nagtatanong kung totoong sa April 4, Black Saturday ay showing na ang The Bet movie nina Enrique Gil at Liza Soberano, actually, ‘yun ang target playdate.

Pero mukhang mas pagagandahin pa nila, kaya urong ito ng May, kaya sa mga fans nina Agnes at Xander, pasensiya na at konti pang hintay.

Gusto nga naming kunan si Liza ‘pag dumadalaw sa shoot ng The Bet, kaso, surprise ang kanyang itsura, kaya hindi namin makunan ng picture.

Pero sa totoo lang, super everyday talaga ang taping ng Forevermore ng LizQuen, buti na lang at hindi marunong magreklamo ang aming alaga na wala na siyang tulog o pahinga o panahong makapanood ng sine.

Dahil una pa mang hindi pa dumarating ang Forevermore ay inihanda na namin ang kanyang kalooban sakaling ma-busy siya.

And consider being busy at walang tulog as a good problem. Kaya naman ang bata ay always smiling pa rin kahit tatlong oras lang ang itinutulog.

Talagang gano’n, eh. ‘Yung iba nga, wala ring tulog, pero walang ganitong oportunidad na dumarating, kaya buti na lang, kami ang co-manager ng bata sa Star Magic.

Ipinakilala na namin sa kanya ang kalakaran ng showbiz. “Buti na lang talaga, Tito Ogs, andiyan ka to guide me.”

Oo naman, ‘no! Tatay rin kasi ako, kaya ang turing namin kay Liza ay parang panganay naming anak.

Ang huling balita namin ay ie-extend ang Forevermore, dahil na rin sa request ng mga fans na nakararating sa ABS-CBN management.

Me nagtanong nga sa amin kung papayagan na ba raw naming magkaboyfriend si Liza?

Ang lagi naming sagot: “Hindi po. Matagal na niyang hinintay ang break na ‘to. Ang lalaki, nandiyan lang naman ‘yan, pero ang opportunities, baka makalampas pa o may umagaw na iba, kaya concentrate muna sa career.”

At alam ni Liza ‘yan. Usapang matino ‘yan sa amin. Normal lang ang ma-inlove, but not at this point.

Oh My G!
by Ogie Diaz