Liza Soberano, walang isyu kahit mag-two-piece sa Darna!

ADVERTISING

Liza Soberano, walang isyu kahit mag-two-piece sa Darna!

Liza Soberano, walang isyu kahit mag-two-piece sa Darna!
Liza Soberano

WALA PANG IDEA si Liza Soberano kung conservative o sexy ba ang isusuot niyang Darna costume sa kanyang paglipad.

Pero kahit ano naman daw ang ipasuot sa kanya ng Star Cinema at ni Direk Erik Matti ay welcome sa kanya.

“Of course, whatever is approved by the management, ‘yun po ang susuotin ko. But if I were to choose, anything naman, actually, as long as I’m prepared for it,” reaksyon pa niya.

Eh, paano kung two-piece ang ipasuot sa kanya?

ADVERTISING

“Okay lang po, basta prepared ako, hindi ‘yung bibiglain ako na ‘O, isuot mo ’to’” sey pa niya.

Ang pagsusuot ba niya ng two-piece is an indication ng kanyang pagma-mature?
Aniya, “Yes, I am maturing. I’m turning 20 next year so I think it’s about time.”

Hindi pa alam ni Liza kung sinu-sino pa ang makakasama niya sa Darna pati na ang gaganap na Ding at Valentina.

“I actually don’t have any idea on who will be with me on the movie, so far.

“I can’t think of anyone actually at the top of my mind to play Valentina because wala, eh, I don’t know who could possibly do it. I don’t know talaga, wala po akong idea,” she said.
Naikuwento rin ng dalaga na nagkausap na sila ni Direk Erik at nagkaroon siya ng physical test dito.

“Nakipag-meeting na po ako sa kanya and they had me do like a physical test in front of them, siyempre, para makita kung gaano rin po ako kalakas. And so based on what I did in front of them, nakita po nila kung ano ‘yung mga kailangan ko.”

Liza is the brand ambassador Megapro Plus and Megasound Karaoke System.

Nagkaroon ito ng media launch kamakailan lang at doon namin nakausap ang magandang aktres.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING