Liza Soberano, puspusan na ang paghahanda sa paglipad bilang Darna!

ADVERTISING

Liza Soberano, puspusan na ang paghahanda sa paglipad bilang Darna!

Liza Soberano, puspusan na ang paghahanda sa paglipad bilang Darna!
Liza Soberano

NAGKUWENTO NA SI Liza Soberano tungkol sa ilang detalye ng kanyang pinag-uusapang pelikula na Darna yesterday at the media launch ng bagong ine-endorsong Megapro Plus Karaoke last night at the Luxent Hotel.

 
Earlier at the event bago bumaba from her room ang pretty prinsesa namin ay kakuwentuhan namin ang manager niyang si Ogie Diaz na nag-share din ng ilang mga detalye tungkol sa pelikula na pinaghahandaan nila.

Excited si Liza kung ano ang magiging final design ng isusuot niya as Darna.
 
“Pero sabi ng iba, kung mas covered daw siya (Liza), mas sexy tingnan. Wala pa kaming idea kung mas mas sexy ang Darna outfit ni Liza para level up na rin compare sa last Darna movie. Bahala syempre ang Star Cinema dun.
 
“Kung ano ‘yong outfit ni Liza as Darna na ipapasuot nila ok lang. Sila ang mas may alam,” kuwento ni Ogie.
 
 Pero ayon kay Direk Erik Matti ay may mga suggestions at designs na siya nakukuha mula sa mga netizens.
 
To quote him: “I’ve been tagged on my social media accounts of new designed Darna costumes and a lot of them really look awesome. Magaganda ang idea about it and we’ve probably worked on maybe 15 types of costume for Darna. And of course, we are trying to come up with the fitting that’s best for Liza,” sabi ni Direk Erik.
 
Liza Soberano, puspusan na ang paghahanda sa paglipad bilang Darna!Pero para kay Ogie at Liza, excited na ang dalaga sa magiging outfit niya at sa pagsisimula ng shooting.
 
Sa ngayon ay ongoing na ang regular workout ni Liza with her trainer na si Bok Santos na kung minsan ay gym buddy niya (or most of the time si Enrique Gil) ang kasa-kasama niya.
 
“Kailangan din ni Liza ‘yun para sa health niya. She needs to be fit dahil napaka-physical ng role niya. Alam mo naman ang pinagagawa ni Darna sa pelikula. May mala-karate at may palipad-lipad at tumabling pa,” dagdag ni Ogie na impormasyon.
 
 Kuwento ni Liza sa media launch ay nagpa-practice na rin siya na lumipad-lipad using the harness. “Masakit lang,” dagdag niya with matching a little pain sa expression ng mukha niya.
 
Wish ng dalaga na lumipad just like Darna.” How I wish,” sabay giggle sa sinabi.
 
That evening, right after her performance on stage kung saan nag-perform siya ng isang Selena Gomez song na “ Who Says” as the karaoke brand  first celebrity endorser ay exit kaagad si Liza papuntang MOA dahil may date pa sila ng “love” niya na si Quen (Enrique) para manood ng concert ni Britney Spears.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING