Liza Soberano, posibleng mahigitan ang mga nagre-reyna-reynahan

Liza Soberano, posibleng mahigitan ang mga nagre-reyna-reynahan

Liza-SoberanoMINSAN, TINAWAG ko siya na “pekpek” parang kaswal lang pero ang mga kasamahan namin sa panulat isa-isang nag-react. Ayaw nilang tawagin kong “pekpek” ang beauty ni Liza Soberano na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon kung iukumpara mo siya sa iba na kaliga niya.

Pretty, fresh, at kagalang-galang na tumpak naman. Kaya sige na nga, si Liza, hindi na siya si “pekpek” sa akin. Gusto ko siyang tawagin na “prinsesa”. Ang amo kasi ng kanyang mukha bukod sa ang mga ngiti niya na tweetums.

Sa media launch ng movie nila ng ka-loveteam na si Enrique Gil na Just the Way You Are, ang sweet tingnan ni Liza bukod sa katotohanan na napaka-clean ng dating niya sa amin maging ang imahe niya sa publiko na harinawa’y walang mapasukan na kontrobersiya ang “prinsesa” namin. Na ngayon, mas napapansin na kumpara noon na nasa anino lang siya ni Kathryn Bernardo na minsan ay kinainisan pa siya ng ng mga baliw na KathNiel fans nang minsan siya ang gumanap as the third party sa isang pelikula noon ng dalawa.

Dalawang beses na namin siyang nakita in person sa isang private occasion (birthday yata ‘yun ng manager niyang si Ogie Diaz) na walang kulapol na make-up sa mukha.

Hindi tulad ng ibang mga bagets stars na kasabayan niya, kahit walang make-up si Liza, 100% maganda ang dalaga bukod pa sa katotohanan na napaka-sweet at napakaamo ng mukha niya na sasahugan pa niya ng ngiti.

I like Liza’s voice. I mean ang timbre ng boses niya lalo pa’t kapag sinasagot niya ang tanong mo, she can pronounce the English words correctly. May brilyo si Liza na sabi nga namin sa kanyang manager, magtiyaga lang siya, matutupad niya ang kanyang pangarap to be one of the biggest star in showbiz.

Give Liza two to three more years, ang inaaning tagumpay ng ibang artista ay mapapasakanya rin. With the right guidance and work attitude (huwag kalimutan ang magandang pakikipagkapwa tao at PR) malayo ang mararating ng “prinsesa” namin na baka nga mahigitan pa niya ang mga nagre-reyna-reynahan sa kasalukuyan.

Tama lang na huwag muna siyang magpaligaw kay Quen, dahil baka ma-distract ang focus niya sa pag-aartista at sa kalagitnaan ng magandang arya niya ay baka masilat lang.

Reyted K
By RK VillaCorta