Liza Soberano, pinatunayang kayang makipagsabayan sa ibang young actress

Liza Soberano, pinatunayang kayang makipagsabayan sa ibang young actress

Liza-SoberanoNAPATUNAYAN NITONG si Liza Soberano na tunay na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa mga naunang young actress sa kanya. Masuwerte pa siya dahil nga ang unang teleserye niya ay naging hit nang sobra, ang Forevermore na marami kaming naririnig na baka magkaroon ng book 2.

Sa press conference ng Just The Way You Are, nakita ng madlang press ang kanyang husay sa pagsagot sa mga itinatanong sa kanya. At ramdam mo rin na hindi siya tulad ng ibang kasabayan niya na showbiz na showbiz ang sagot.

Kaya naman minahal na siya after ng presscon. At sabi nga ng ilang press na bukod sa pagiging totoo, sosyal na sosyal ang kanyang sagot. “Sila ang sosyal na loveteam.”

Kitang-kita na malayo ang mararating ng kanilang loveteam ni Enrique Gil. Hindi pilit at alam mo na totoo ang kanilang ipinakikita sa madla.

Kita rin sa dalawa na alam mo na gusto nila ang isa’t isa, hindi pilit tulad ng ibang loveteam. Kaya naman sobarang mahal na namin ang kanilang tambalan.

At hindi naman daw siya humihingi ng advice pagdating sa pag-ibig sa kanyang manager na si Ogie Diaz.

“Hindi naman po ako humihingi ng advice kay Kuya Ogie. Hahaha!” sey niya.

Bawal pa raw siyang mag-BF? 17 years old lang siya, pero baka ilang araw na lang ay baka malaman natin na sila na nga ni Enrique. Pero bawal pa siyang makipag-kissing scene on screen. Ayaw pa ni Ogie.

Perfect loveteam dahil may chemistry. Hindi ang sawsawan na suka ang dahilan, dahil parehong   ayaw nila ang suka?

‘Yan ang kanilang formula. Fer ‘yan, ha?! Hahaha!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!