Liza Soberano, pasadong mag-reyna sa Kapamilya Network

ADVERTISING

Liza Soberano, pasadong mag-reyna sa Kapamilya Network

Liza Soberano, pasadong mag-reyna sa Kapamilya NetworkNakaiskor na naman ang Kapamilya Network at ang Star Magic na makapagpasikat sila ng isang baguhang artista na mabilis nagustuhan ng mga manonood sa telebisyon at pelikula. Pasadung-pasado si Liza Soberano para maging bagong reyna ng ABS-CBN sa kanyang mga pagbibida sa teleserye, kasunod nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Kim Chiu, at Andi Eigenmann. Masipag at propesyunal sa kanyang trabaho ang ka-love team ni Enrique Gil.

Star material talaga si Liza Soberano. Bilang baguhan pa ring maituturing sa kanyang pagbibida, fresh pa talaga ang dating niya. Hindi nakasasawa ang kanyang hitsura, dahil modernang Pinay ang kanyang byuti. Hindi pa rin siya maarte dahil parang hindi pa siya affected ng kanyang kasikatan. Puri nga ng dati niyang mga kakilala, hindi pa raw talaga nagbabago sa ngayon ang ugali ng magandang young star, dahil nakikita pa rin nila ang kasimplehan nito.

Sa ngayon, positive ang mga nangyayari talaga sa career ni Liza, dahil nagkakatulungan talaga sila ni Enrique sa kanilang love team. Kumikita ang kanilang mga pelikula. Mayroon na naman silang bagong teleserye, habang sa Star Cinema ay may nakahanda na namang bagong pelikula na kanilang sisimulan.  Happy ang magkapareha, dahil napatunayan na nakabawi na rin ang image ni Enrique mula sa iskandalo sa eroplano na kinasangkutan niya nung nakaraang taon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING