Liza Soberano, naiyak dahil sa isang fan

Liza Soberano, naiyak dahil sa isang fan

Liza Soberano
Liza Soberano

Napaiyak si Liza Soberano sa isang kuwento ng isang female fan.

Itsinika ng fan na inabot siya ng walong oras sa Luneta, gutom, pawisan, at uhaw na uhaw. Nagtiyaga siyang maghintay dahil gusto niyang makita si Liza.

Say pa ng fan, nang finally ay makita niya ang kanyang idol ay napawi lahat ng kanyang pagod at gutom.

“This is the sweetest thing I have ever seen. Thank you so much. For all the love, considering the fact that you probably have never met us in person. Thank you for inspiring me so much more right now. I wish I could just give you a hug right now to make you feel as loved as i do right now. I love you. And all the other people who made sacrifices earlier just to see us. It brings tears to my eyes. Seriously. Thank you,” say ni Liza Soberano.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas