Liza Soberano, nagbunga na ang pagtitiyaga sa tulong ng manager na si Ogie Diaz

Liza-Soberano-Ogie-DiazNAKATUTUWANG ISIPIN na sa ilang panahon lang, nakapagpundar na ng bahay si Liza Soberano dahil sa kanyang kasipagan sa showbiz. Tapings, shooting ng pelikula, out of town shows, at maging ang mga product endorsements na ginawa niya, ang kanyang pagtitiyaga ay nagbunga sa tulong na rin ng kanyang masipag at mabait na manager na si Ogie Diaz.

Dahil sa kasipagan ng dalaga, kung minsan ay wala na itong pahinga at tulog. Ang hirap niya at pagtitiyaga ay nagbunga nga isang house and lot, kung saan doon na ngayon nakatira ng pamilya ni Liza. Hindi pa man ito ang “dream house” ni Liza, ang mahalaga ay may matitirahan ang pamilya ng dalaga.

“I need to work hard and save for my own house,” sabi Liza.

Ibinalita sa amin ni Ogie last Saturday sa contract signing ni Liza para sa Nails.Glow as an endorser ng naturang nails & body spa na sinimulan na ang bagong romcom nina Liza at Enrique Gil bilang follow-up ng kanilang hit seryeng Forevermore sa Kapamiya Network at ang bago nilang pelikula ni Quen na balita ko may bagong ka-love triangle sa “love” ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleRegine Velasquez, excited na makasama sina Dingdong Dantes at Alden Richards
Next articleJM de Guzman, bumalik sa dating bisyo?

No posts to display