Liza Soberano, mas makabubuting atupagin muna ang career kaysa lovelife

Liza Soberano, mas makabubuting atupagin muna ang career kaysa lovelife

Photo courtesy of LIZAnianz
Photo courtesy of LIZAnianz

NATUTUWA KAMI bilang co-manager ni Liza Soberano dahil sobrang dami talagang naniniwalang hindi lang sa teleserye o pelikula mangyayari, maging sa tunay na buhay ay magiging magsyota sina Liza at Enrique Gil.

Pati ‘yung mga dati pang interviews ng dalawa ay kinakalkal pa para lang patunayan talagang may pagkakagustuhan ang dalawa.

Wala namang problema roon. Normal naman talaga sa kabataan ang magkainlaban.

Pero marami rin naman ang nakauunawa sa aming ipinupunto na mas magandang respective career muna nila ang kanilang atupagin bago ang lovelife.

Bilang manager, importante sa akin na may ipon si Liza. Meron siyang sariling bahay at ilang investments at properties para naman sa kanyang future.

Nand’yan lang ang pag-ibig. Eh, ang tagal na rin namang hinintay ni Liza ang big break na ito, kaya lagi kong sinasabi sa kanya at ipinaaalala na tuparin niya muna lahat ang mga napag-usapan namin para sa future niya, para hindi naman siya ‘yung tipo ng artista na nalulong sa pag-ibig kaya napabayaan na ang career.

Sa tagal namin sa industriyang ito, na-witness na namin ang mga batang nagkaroon at bumagsak dahik sa tawag ng pag-ibig o bisyo sa droga.

At bilang isa ring ama, sino naman ang nangangarap ng ganon para sa kanyang anak, ‘di ba?

May nag-akusa sa amin sa twitter na baka raw ang iniisip ko ay ang komisyon ko kay Liza.

Hahahaha! Ikaw naman, ‘teh. Porke ayaw ko munang magka-lovelife si Liza, komisyon na agad ang nasa isip mo?

Eh, ok lang kung ‘yun ang nasa isip mo. No problem. For as long as hindi ‘yon ang laman ng isip at puso eh, bahala na silang mag-isip.

Basta ang iniisip ko: ang future ni Liza. ‘Yun ‘yon. At salamat sa lahat ng mga nakauunawa.

Oh My G!
by Ogie Diaz