Liza Soberano, marunong kumilala sa senior stars

Liza Soberano, marunong kumilala sa senior stars

Photo courtesy of Lizanianz
Photo courtesy of Lizanianz

MINSAN, TUMAWAG sa amin si Arlene Muhlach. Akala namin kung ano’ng problema. “Hoy, Ogie. Alaga mo pala ‘tong si Liza Soberano?”

“Yes, mare. Why?”

“Ay, juice ko, Ogie, nakakatuwang bata. Talagang pumunta pa sa dressing room ko para lang pormal na magpakilala at bumeso sa akin.

“Juice ko, Ogie, antagal na natin dito sa showbiz, bihira ang ganyang bata na kahit sumisikat, siya pa rin ang lalapit sa mga seniors sa showbiz.

“Sana, ‘wag siyang magbago kamo, ha?”

Actually, kahit si Tita Gloria Diaz ay love na love si Liza. Kuwento ng aktres, awang-awa siya kay Liza, dahil nu’ng “Kung Ako’y Iiwan Mo!” days kung saan gumaganap na younger sister ni Jake at anak ni Tita Glo si Liza, “Pa’no kasi, ‘yung bata, walang higaan, nakaupo lang sa chair at doon na makakatulog.

“Gusto ko nga siyang ibili ng higaan para ibigay sa kanya, dahil mabait, magalang na bata at walang kaere-ere, pero nu’ng next taping namin, naibili na siya.”

According to Tita Glo, puwedeng maging isang beauty queen si Liza, lalo na’t may “substance” din itong kausap.

“Mabait na bata. Kaya lagi ko siyang pinapayuhan tungkol sa attitude sa showbiz.”

‘Yun ang bilin namin kay Liza. Na ‘pag may nakikitang senior stars ay siya ang unang lalapit para batiin ito, hindi ‘yung siya pa ang unang lalapitan nito para batiin siya.

“Excited kasi ako, Tito Ogie, sa mga kwento nila, kaya as much as possible, nakikipagkuwentuhan din ako sa kanila para alam ko ‘yung history ng showbiz,” sey nga ni Liza sa amin.

Oh My G!
by Ogie Diaz