Liza Soberano, maraming patataubing leading ladies sa Dos

ADVERTISING

Liza Soberano, maraming patataubing leading ladies sa Dos

Liza-SoberanoTALK OF the town ngayon ang leading lady ni Enrique Gil sa seryeng Forevermore na si Liza Soberano. Sa ABS-CBN, ang dalaga rin ang hot topic. Mukhang marami raw patataubin si Liza dahil bukod sa napakaganda nito, marunong pang umarte. Naku, dapat kabahan na ang ibang Kapamilya leading ladies dahil kung tutulug-tulog sila, baka mapag-iwanan pa sila ni Liza.

Thankful ang production team ng Forevermore dahil nagustuhan ito agad ng televiewers. Pinasalamatan din nila nang husto ang genius na director ng series na si Cathy Garcia-Molina dahil once again, pinatunayan niyang siya talaga ang master story-teller, huh!

Kaagad ding nagti-trending worldwide ang Forevermore na sa totoo lang, hindi rin ini-expect ng production team.

“Siguro they liked Enrique and Liza’s chemistry. May kilig kasi talaga ‘yung tandem nila,” sabi pa ng nakausap namin from Star Creative.

ADVERTISING

Si Liza ang ikinokonsider ng marami na bagong Kristine Hermosa ng ABS-CBN na very regal ang beauty at hindi nakakasawang tingnan. With regards to acting, mas may lalim si Liza compared to Kristine when she was just starting.

Anyway, harinawa’y magtuluy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa career ngayon ni Liza para matuloy na rin ang plano niya na makapagpatayo ng dalawang bahay at makabili rin ng dalawang sasakyan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING