Liza Soberano, malabo nang matupad ang pangako sa manager dahil kay Enrique Gil?

Liza Soberano, malabo nang matupad ang pangako sa manager dahil kay Enrique Gil?

Liza-Soberano-Enrique-GilMAGKAKAROON NA ng follow-up movie ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano pagkatapos ng box-office hit na Just The Way You Are na pinagbidahan nilang dalawa under Star Cinema. Bukod dito, inihahanda na rin ang kanilang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Sabay humarap ang magka-loveteam sa Aquino and Abunda Tonight at inamin ni Liza na gustung-gusto si Enrique ng kanyang pamilya. Manugang na nga raw ang tawag sa binata ng kanyang pamilya.

Inamin naman ni Enrique na close na rin si Liza sa kapatid niyang babae. Unti-unti na rin daw nagiging close ang kanilang mga pamilya. Naku, mukhang hindi na nga makakawala si Liza kay Enrique, huh!

Bago pa pumutok ang tambalang Liz-Quen, may pangako noon si Liza sa manager niyang si Ogie Diaz na hindi muna siya magboy-boyfriend hanggang walang 2 sasakyan at bahay. Ito ngayon ang tututukan namin. Matupad niya kaya ang pangakong ‘yon?

Anyway, nananatiling kapuri-puri ang ugali ni Liza kahit pa sikat na siya. Wala pa raw itong star complex at nakangiti pa rin kahit pagod na sa trabaho. Well, sana ay hindi magbago ang dalawa kahit pa sumikat sila nang husto.

La Boka
by Leo Bukas