Liza Soberano, magpupundar na rin ng negosyo?

Liza Soberano, magpupundar na rin ng negosyo?

Liza-SoberanoWITH MORE than a dozen commercial endorsements (and still counting), ang latest na inialok sa sikat na sikat nang si Liza Soberano is being the celebrity ambassadress of Nails.Glow of NDG.

Already with a dream house and a car, isang franchise spa/salon na ba ang susunod na ipupundar ni Liza?

Says Ferdie Opena of the six year-old NDG, hindi raw imposibleng bigyan din nila ng sariling branch ang teen actress most specially that Liza looks forward to her partnership with the country’s holistic spa, na kumpara raw sa lima pang major players in the industry ay bukod-tanging sila lang ang merong celebrity endorser.

Liza stood out among other female stars her age sa isinagawang pananaliksik ng kanilang team, she being top-of-mind choice. Maging sa mga focus group discussions among the franchisees and clients ay si Liza ang nais nilang mag-endorso ng kanilang spa with luxurious yet easy-on-the-pocket all-around services.

Sa presscon, proud si Liza na ipinakita ang kanyang polished nails in red that match her candle-shaped fingers. “I prefer short nails ‘coz nagtsi-chip off ‘yung mga kuko ko. Sometimes, I get them polished pero siyempre as Agnes (her role in Forevermore), alangan namang may cutex.”

But Liza makes sure she goes around with her nails clean. “‘Yun nga lang, because of my chedule, I can’t really find time to go to a salon for nail-cleaning kaya I call them, they do home service,” says Liza of her latest endorsement.

Si Enrique Gil ba, conscious din with his nails? “Hindi naman yata siya naglilinis ng kuko,” stopping at mid-sentence, “What I mean is, I think he doesn’t go to a salon, siguro, kina-cut lang niya ‘yung fingernails niya,” anxious na baka isipin ng tao na poor in hygiene ang aktor.

 

Pepperoni

by Ronnie Carrasco III