Liza Soberano kinasuhan ang netizen dahil sa viral ‘rape joke’

ADVERTISING
Leo Bukas

NAUUSO ang demandahan ngayon sa showbiz, huh!

Hindi na rin pinalampas ni Liza Soberano ang pambabastos sa kanya ng empleyado ng isang internet provider dahil sinampahan na rin niya ito ng kaso.

ADVERTISING

Kasama ni Liza ang manager niyang si Ogie at ang abogado nilang si Atty. Jun Lim na nagpunta kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion para magdemanda sa netizen.

Liza Soberano kinasuhan ang netizen dahil sa viral ‘rape joke’
Liza Soberano

Ayon sa  legal counsel ni Liza, ang “sarap ipa-rape” post sa Facebook ay, “clear violation of Section 4(c)(4) of Republic Act. No. 10175, otherwise known as Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Article 355 of the Revised Penal Code.”

Ayon naman sa aktres, below the belt na ang komentong ito sa kanya ng nasabing empleyado.

ADVERTISING

“It was on Facebook under a thread of comments. It wasn’t the actual post of the person but she left a comment under someone else’s post a few days ago.

“It sounded like ‘Wala na daw akong trabaho. So I can do anything I want, di bale na raw masira ang image ko tapos masarap ipa-rape.

“I was really upset because the fact that it is a rape joke, it is not something that should be taken lightly. And the fact that she is a woman, I would never in a million years do a joke like that,” lahad ni Liza.

“I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media.I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online.

“I want people to learn that there are consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter,” patuloy pa ng dalaga.

Samantala, naglabas na ng public apology ang nasabing empleyado sa pamamagitan ng kanyang Facebook page pero ipinagpipilitan pa rin niyang pribadong usapan ang nag-viral sa socmed.

ADVERTISING