Liza Soberano, ka-level na ng mga Hollywood stars sa listahan ng Most Beautiful Faces sa buong mundo!

ADVERTISING

Liza Soberano, ka-level na ng mga Hollywood stars sa listahan ng Most Beautiful Faces sa buong mundo!

Liza Soberano, ka-level na ng mga Hollywood stars sa listahan ng Most Beautiful Faces sa buong mundo!
Liza Soberano

WAGING-WAGI ang beauty ng Kapamilya actress na si Liza Soberano bago matapos ang 2017. Si Liza kasi ang nag-top sa listahan ng Most Beautiful Face of 2017 ng The British Independent Movie Critics.

Muling pinatunayan ni Liza na ang beauty ng Pinay ay talaga namang world-class  para manguna siya at tanghaling ‘Most Beautiful Face’ of 2017.

Last year (2016)  ay  pumwesto lang si Liza sa second place. Pero ngayon, ka-level na niya ang mga Hollywood stars na sina Natalie Portman, Emma Watson and actress Emilia Clarke ng Game of Throne  na mga nanguna rin sa listahan  ng may pinakamagagadang mukha sa mga nagdaang taon.

Bukod kay Liza, ang iba pang mga Pinay na pasok sa listahan ng The British Independent Movie Critis ay sina Kim Domingo na nasa  96th spot at Nadine Lustrena nasa 78th spot naman. Nasa 71st spot naman si Jessy Mendiola samantalang nasa 60th si Kathryn Bernardo.

ADVERTISING

Masayang-masaya naman ang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa bagong achievement ng kanyang alaga.

Sey ni Ogie, “Ang daming nagtutulak sa ’yo na sumali ka sa Bb. Pilipinas, dahil malaki ang chance mo sa Ms. Universe…

 “Ngayong nakuha mo ang  #1 as “the most beautiful face” in the world…. anak, para ka na ring nanalo sa Ms. Universe. Choosy pa ba?

 “Congratulations!”

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING