Liza Soberano, excited na teleserye katambal si Enrique Gil

ADVERTISING

Liza Soberano, excited na teleserye katambal si Enrique Gil

Liza-SoberanoTATLONG LINGGO sa Tuba, Benguet ang buong cast ng Forevermore, dahil kailangang makabuo agad sila ng 3 weeks episode na ipalalabas bago magtapos ang October. Biggest break ito ni Liza Soberano pagkatapos niyang mag-third wheel sa tambalang Kathniel.

ADVERTISING

Sila naman ni Enrique Gil ang susubukan ng ABS-CBN at base sa trailer na napapanood namin ay ewan ko ba at kami’y napapangiti sa cute na eksenang bumagsak sa trailer truck ang nagpa-parachute na si Enrique at ni-rescue ni Liza.

“Sobrang excited ako, Tito Ogie,” sabi ni Liza, “Kasi, si Direk Cathy Molina na ang magdidirek, saka si Direk Ted. Gusto ko pa naman ‘yon, ‘yung takot ako sa direktor para lalo akong mapiga sa pag-arte.”

Kung me nume-nega kay Liza ay mas marami ang nagsasabing Liza Soberano is the next big thing sa ABS-CBN, kaya kesa intindihin ang mga nega, eh thankful na lang ang bata du’n sa mga nag-a-appreciate ng kanyang presence, “Saka kung constructive naman, Tito Ogie, ‘yung iba eh, I always put that in mind para magawa ko nang tama.

ADVERTISING

“Ok lang naman po, kasi part naman po ng showbiz ang bashing, eh.”

At naalala pa ni Liza, “‘Di ba sabi mo, ‘pag wala kang basher, hindi ka in?”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING