Liza Soberano at Enrique Gil, trabaho pa rin sa Valentine’s Day

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, trabaho pa rin sa Valentine’s Day

Liza Soberano at Enrique Gil, trabaho pa rin sa Valentine’s DayI’m sure super kilig na naman ang mga LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) fans at supporters sa mulig pagbabalik ng pinaka-sweet na tambalan sa telebisyon at pelikula via their new primetime teleserye sa Kapamilya Network, ang “Dolce Amore” na siyang papalit sa pagtatapos ng “Pangako Sa ‘Yo” sa darating na February 13.

ADVERTISING

Yes, pang post-Valentine’s offering ng ABS-CBN ang bagong serye ng dalawa na during the media launch, super sweet ang dalawa.

Actually, sabi nga ng binata after their last teleserye na “Forevermore”, mas naging close sila ni Liza Soberano. “I admit, we’re more closer now and more personal,” pagmamalaki ni Quen tungkol sa magandang relasyon nilang dalawa ng dalaga.

Maging ang dalaga na dati-rati’y pangiti-ngiti lang sa pagpapa-cute ng kaparena si Quen, this time may hirit na rin ang aming “Prinsesa”.

ADVERTISING

Sa pagsisimula ng “Dolce Amore” sa February 15 (a day after Valentine’s Day), I’m sure exended ang kilig at loving-loving ng mga manonood na dala-dala ang “Valetine’s Day Feeling”.

Pero tila hindi yata magkakaroon ng katuparan na magiging romantic ang pagse-celerate nina LizQuen ng Araw ng mga Puso, dahil it’s a working day (February 14) para sa kanila.

Yes, grand launch ng teleserye nila sa ASAP on Valentine’s Day at sa hapon naman, may fans day sila sa Maket Market.

Pero kahit busy ang dalawa sa work on Valentine’s Day, alam ko, gagawa ng diskarte si Quen at sorpresa sa kanyang nililiyag lalo pa’t aminado na ang dalawa na mas close na sila ngayon lalo, mula nang simulan nila ang bago nilang teleserye.

Sa serye, makala-love triangle nina LizQuen ang guwapong si Matteo Guidicelli at makasasama rin sina Kean Cipriano, Sunshine Cruz, Andrew E., Edgar Mortiz, at si Cherie Gil.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING