Liza Soberano at Enrique Gil, next important loveteam n Dos

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, next important loveteam n Dos

Liza-Sobrano-Enrique-GilDINAYO PA namin ang Tuba, Benguet para saksihan ang taping ng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano na magpa-pilot airing na sa Lunes, Oct. 27 sa ABS-CBN Primetime Bida. Two weeks na sila sa Benguet at puro scenes sa lugar ang gagamitin ni Direk Cathy Garcia-Molina bilang panimula.

ADVERTISING

“Para fresh, ‘di ba?” katwiran pa ng lady director.

Bagay na bagay sina Liza at Enrique. They really look good together at posibleng maging next important loveteam ng ABS-CBN tulad ng Kathniel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla).

Bagama’t kabado sina Liza at Enrique, malaki raw ang tiwala nila kay Direk Cathy na direktor din ng Got To Believe ng Kathniel.

ADVERTISING

“Sana po suportahan at magustuhan ng tao ang Forevermore namin ni Liza. Love-hate relationship pa kami ngayong nagsisimula pa lang pero eventually made-develop na ‘yung romantic angle,” sambit ni Enrique.

Flattered naman si Liza na kahit almost a year pa lang sa showbiz ay bida na agad sa teleserye. “Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN na pinagtiwalaan agad nila ako sa Forevermore. Sana magawa ko po nang maayos ang trabaho ko,” sey naman ng dalaga.

Kasama rin nga pala sa Forevermore sina Lilet, Zoren Legazpi, Marissa del Gado at Joey Marquez.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING