Liza Soberano at Enrique Gil, malaki ang expectation na mahigitan ng “Dolce Amore” ang “Forevermore”

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, malaki ang expectation na mahigitan ng "Dolce Amore" ang "Forevermore"

Liza Soberano at Enrique Gil, malaki ang expectation na mahigitan ng "Dolce Amore" ang "Forevermore"Sa totoo lang, ang laki ng challenge sa tambalang Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen) sa muling pagiging aktibo nila sa telebisyon via the new teleserye “Dolce Amore” na magsisimula na sa Lunes, February 15, bilang pamalit sa serye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Pangko Sa ‘Yo” na magtatapos na sa darating na Biyernes.

ADVERTISING

Ang laki kasi ng impluwensya ng tambalang LizQuen sa manonood sa huling serye nilang “Forevermore” na parang viral, na lahat ay naapektuhan na naging dahilan para mabuo ang love team ng dalawa.

Super hit kasi ang huling teleserye nila na naglunsad din sa mga careers nila sa pelikula na sa magkasunod nilang dalawang pelikula, naging mga box-office hits ang mga ito na nagpuwesto sa kanilang dalawa para taguriang isa sa mga importanteng artista at tambalan ng Kapamilya Network at ng Star Cinema.

Sa muling pagbabalik-telebisyon nina Liza Soberano at Enrique Gil, hindi maiiwasan na malaki ang expectation ng marami na mas mahihigitan ng “Dolce Amore” ang “Forevermore”.

ADVERTISING

“I try to not think about it. Sinasabi ko, huwag ko na lang isipin. Kasi sa ‘Forevermore’, when we were shooting sa Baguio, wala kaming signal. We didn’t have any cellphones. Shoot lang kami nang shoot. And then a couple of months after, sinabi nila na ang lakas ng ‘Forevermore’. We didn’t know about it. So, siguro nakita nila ‘yung closeness namin.

“Because we didn’t have cellphones, ‘yung buong cast kuwentuhan lang. So, siguro the bonding na nangyari without thinking about anything, your just in the mountains, it made us forget about everything. We didn’t have to try, it just came so naturally siguro,” sabi ni Quen.

In short, hindi sila masyadong pressured noong ginagawa nila ang “Forevermore”. Cool at chill lang na both stars ay ini-enjoy lang ang kanilang trabaho at bonding.

Pero happy si Quen na okey ang relasyon nila ni Liza na nagiging dahilan na pareho nilang ginagawa ang mga obligasyon nila sa kanilang bagong teleserye.

“Mas romantic ito,” paniguro ni Quen sa press.

“We enjoy taping sa Italy. Chill lang,” kuwento pa niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING