Liza Soberano, ‘di sinisipot ang taping ng serye

ADVERTISING

Liza Soberano, ‘di sinisipot ang taping ng serye

Liza-SoberanoANG DAMING naka-miss kay Agnes sa Forevermore. Mahuhusay ang scriptwriter ng number one kiligserye kaya nagawan nila ng kuwento ang pagkawala ni Agnes.

Pero dahil na rin sa existence ng social media, alam naman talaga ng mga tao kung nasaan talaga si Agnes.

I mean si Liza Soberano, alam nilang may sakit ito. Naka-confine ng ilang araw sa ospital, dahil nga sa trangkaso.

Medyo matindi rin that time ang ubo niya at isang box ng tissue ang nakokonsumo niya sa kanyang sipon din.

ADVERTISING

Nagsugat na nga ang ilalim ng nose niya dahil sa kapipindot niya ng ilong niya sa tuwing nahahatsing siya.

Kung dumalaw si Xander? Oo dumalaw na. “Pero saglit lang po kasi me work pa siya,” sabi ni Liza.

Sayang at hindi namin nakunan ng picture ang tatlong red balloons na bigay sa kanya ni Quen para naman ma-delight ang mga supporters nila.

Ilan lang din ang nakadalaw sa Prime Queen, dahil pinili naming mas magpahinga siya kesa mag-entertain ng bisita.

Actually, nakakalokah nga, dahil ang bagets ay gusto nang bumangon at tumayo sa kanyang kama, “Gusto ko nang mag-work, Tito Ogie! Baka tanggalin na nila ako sa ‘Forevermore’.”

Hahahaha! ‘Yun talaga ang inaalala ng bata. Na baka tigukin si Agnes sa teleserye.

Sabi ko naman, “Nangyayari lang ‘yon, anak, ‘pag ang artista, grabe nang primadona, hindi na kaya ng staff ang attitude problem, sobrang unprofessional na, gano’n.

“Pero understandable naman ang case mo. Na kaya ka rin naman nagkakasakit eh, dahil na rin sa kasipagan mo at kulang ka rin sa tulog.

“Kaya rest ka lang and the people who love Agnes understand the situation.”

 

NA-TOUCH SI Liza Soberano dahil ramdam talaga niya ang pagmamahal sa kanya ng ABS-CBN at ng Star Magic habang siya’y nakaratay sa ospital due to over-fatigue at flu.

Dinalaw siya sa ospital ng heads ng Star Magic na si Mr. M at Tita Mariole na sobrang nag-alala sa kanyang kalagayan.

Maging si Tita Malou Santos ng Star Cinema at sina Direk Lauren Dyogi, Mam Charo Santos, at Tita Cory ay nagpaabot din ng concern at sumuporta pa ang ABS-CBN sa mga needs ni Liza.

“Kaya I wanna work na, Tito Ogie!”

But how can you work kung hindi ka pa nga completely magaling, ‘di ba? Kaya pagaling ka nang bongga, Agnes!

At ‘eto na ang catch: tonite sa episode ng Forevermore, magpapakita na kaya si Agnes?

For now, thank you, thank you sa lahat ng mga nagmamahal at nagpe-pray for Liza’s fast recovery!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING