Liza Soberano, ‘di p’wedeng ligawan

ADVERTISING

Liza Soberano, ‘di p’wedeng ligawan

Liza-SoberanoKUNG IISA-ISAHIN namin ang mga artistang may crush sa talent namin ng Star Magic, si Liza Soberano, ay magmumukha kaming mayabang, kaya ‘wa na lang.

Talagang ‘yung isang aktor ay biglang-biglang tumawag sa amin na hindi naman madalas ginagawa, pero ‘yun pala, gusto lamang hingin ang aming bendisyon na maligawan ang aming alaga.

Na sinabi naming “pass na muna”, dahil bata pa si Liza. 16 years old pa lang. Wala pang ganap na napatutunayan sa buhay at sa career. Gusto muna namin na magpayaman siya, mabigyan niya ng bahay at lupa ang kanyang pamilya.

Tapos, kailangang meron din siyang sariling house and lot at meron na siyang malaki-laking ipon. And by then, puwede na siyang maligawan.

ADVERTISING

Ang nakatutuwa naman sa batang ito ay ipinamumulat namin sa kanya ang mga di-maiiwasang katotohanan sa showbiz na kung minsan o madalas ay ang pag-ibig ang sumisira ng magandang sinimulang career.

Saka hindi naman nagmamadali si Liza. Kahit siya mismo, wala pa sa isip niya ang mag-boyfriend. Kahit na tumuntong pa siya ng 18, hindi pa rin.

Kaya nga sabi ng bata, “Parang dalawa na ang tatay ko. Ang biological dad ko at ikaw, Tito Ogie.”

Aba, siyempre, ‘no! Hinding-hindi namin hahayaang masira ang aming produkto. At pangarap namin for Liza ang ma-achieve niya ang kanyang goals in life.

Saka hindi naman namin nilalahat, pero karamihan ng mga guwapong bagets ngayon ay gusto lang makaiskor. Echos-echos lang nila na nahe-hurt sila ‘pag nakikipag-break sa girls, pero ang totoo, andali nilang maka-recover.

Kaya sa mga nagbabakasakali na maligawan si Liza, kung makapaghihintay kayo eh, hintayin n’yo munang magkapangalan, makapundar at sumikat ang lola n’yo.

Okay?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING