Liza Soberano, ‘di na mapigilan ang pagsikat

Liza Soberano, ‘di na mapigilan ang pagsikat

Liza-SoberanoHINDI NA mapigilan ang pagsikat ni Liza Soberano. Totoong nagle-level-up ang showbiz career ng youngstar dahil sa seryeng Forevermore with Enrique Gil na dinirek ni Cathy Garcia- Molina. Sinusubaybayan ng masang Pinoy ang kakaibang soap ng dalawa. May chemistry sina Liza at Enrique at may kilig factor ang tandem nila kaya’t kinababaliwan ng mga fans sa kanilang loveteam. Nakare-relate naman kasi ang manonood sa character na kanilang ginagampanan. Pati nga mga supporting ay nakaaaliw. Lahat sila, may kanya-kanyang papel sa buhay ng dalawang bida sa serye.

Palibhasa sikat na si Liza kaya hindi maiiwasang maintriga ito. Nababahala ngayon ang kampo ni Julia Barretto sa mabilis na pag-angat ng career nito. Ngayon, pinagko-compare sila ng masang Pinoy kung sino sa kanila ang mas maganda at marunong umarte. Maging si Gretchen Barretto ay gandang-ganda sa physical look ni Liza. Kakaiba raw ang beauty ng dalaga compared sa ibang youngstar, simple and elegant.

Totoo ang tinuran ni Greta, simple lang ang beauty ni Liza, hindi nakasasawang tignan lalo na kapag wala itong make-up. Napaka-down-to earth, kung ano si Liza sa harap ng camera, ganu’n din siya in real life. Walang pretension sa katawan at marunong umarte lalo na sa mga dramatic scene, ayon sa production staff na nakausap namin na totoo naman. Hindi nahihirapan si Direk Cathy na idirek ang young star dahil madali nitong nakukuha ang gustong mangyari ni Direk sa bawat eksena.

Nang dahil sa naging pahayag ni Greta, naimbudo ang mag-inang Julia at Marjorie. Tuloy, nagkaroon ng gap ang magkapatid sa papuring sinabi ng actress-singer tungkol kay Liza. Nagpakatotoo lang naman si Gretchen. Walang ka-negahan ang kanyang binitawang salita. Hindi nito binanggit ang pangalan ni Julia kaya’t wala siyang dapat ipaliwanag. Inintriga lang ang mag-inang Julia at Marjorie kaya nag-react ang mga ito at naging issue.

Malaking factor si Direk Cathy sa pagsikat ni Liza. May magic touch talaga ang box-office director sa mga baguhang artista hinahawakan nito. Alam niya ang kiliti ng manonood kaya tinatangkilik ang kanyang TV show at mga pelikula. Nang idirek niya ang romantic comedy seryeng Got To Be Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hataw ito sa rating at nag-number 1. Sa soap na ito nagkaroon ng solid fans club ang KathNiel. Pinatunayan ng box-office director na totoong may magic ang tandem nina Kath at Daniel.

Nagtiyaga rin naman si Liza at naghintay bago ito nabigyan ng break ng ABS-CBN. Nakailang pelikula at serye na rin ang dalaga na pawang supporting role ang madalas niyang gampanan bago ito napansin ng Kapamilya Network. Palibhasa star material itong alaga ni Ogie Diaz, pinahinog muna si Liza bago binigyan ng break para magbida. Magaling talagang mag-build-up ng mga baguhang artista ang Kapamilya Network, nasa timing ang pagbibigay nila ng break.

Ang balita namin, inaayos na ng Star Cinema ang launching movie ni Liza with Enrique. Naghahanap lang ng magandang material si Madam Malou Santos at Direk Olivia Lamasan na babagay sa dalawa. Sana naman si Cathy Garcia-Molina ang magdirek ng pelikula ni Liza Soberano para sure winner ito sa takilya. Ano sa tingin mo, Ogie Diaz?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield