Liza Soberano, ‘di na basta pa-cute, palaban na rin

Liza Soberano, ‘di na basta pa-cute, palaban na rin

Liza-SoberanoNAKAKATUWA NA hindi na lang basta pa-cute at pa-demure ang character ni Agnes na ginagampanan ni Liza  Soberano sa teleseryeng Forevermore ng ABS-CBN. Sa ilang huling episode ng serye, medyo palaban na si Agnes.
Pangit nga naman kasi kung palagi na lang siyang mabait, ‘di ba? Lalo pa nga kung ang isyu ay tungkol na sa pag-iibigan nila ng karakter ni Enrique. At least, she knows how to fight for her love at maraming bumilib sa eksena niya with Sofia Andres na gumaganap naman bilang ex-girlfriend ni Enrique.
‘Yan tuloy, nakatikim si Sofia ng mga talak ni Liza, huh!
Anyway, kasalukuyan pa ring nagsisyuting si Liza ng pelikulang The Bet na magiging launching movie ng tambalan nila ni Enrique Gil na ang balita namin ay ipalalabas sa first quarter ng 2015.
With regards to Enrique naman, masaya siya na patuloy na lumalalim ang pagkakaibigan nila ni Liza. Gusto ng aktor na kahit tapos na ang Forevermore ay maging matalik pa rin silang magkaibigan ng dalaga.
Ayon pa sa kanya, nakakita siya ng totoong kaibigan sa pagkatao ni Liza at forever niya itong iti-treasure. Wow, naman!

La Boka
by Leo Bukas