Liza Soberano, ‘di maitatangging sikat na

Liza Soberano, ‘di maitatangging sikat na

Liza-Soberano FAST-RISING TEEN star Liza Soberano made it in the nick of time.

Hindi na kasi inaasahan pang darating ng kaibigang Ogie Diaz ang kanyang alaga sa salubong ng kanyang intimate birthday celebration last January 2. But Liza—who arrived with her pony-tailed hair and in casual getup—popped out from nowhere.

Sa pagdating ni Liza, pansamantalang natigil ang kantahan, on with the seemingly endless picture-taking. Nang bahagyang humupa ang kaguluhan among eager beaver picture takers, on mic na sinabi ni Ogie na, “Dati-rati, ‘pag nandito si Liza, walang pumapansin, lalong walang nagpapa-picture. ‘Pag kumakanta siya rito sa harap, walang nakikinig. Daldalan nang daldalan ang lahat na parang walang kumakanta. Pero ngayon, ayan, kitang-kita naman po ninyo. Talagang nag-iiba ang panahon. Feeling ko nga, eh, si Liza ‘tong may birthday, eh! Ha! Ha! Ha!”

Liza had to rush for an out of town taping, kaya after gamely posing with Ogie’s well-wishers ay nagpalit lang ito ng panglamig na pang-itaas and off she went with her father.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III