Liza Soberano, ‘di ipinasok sa ulo ang kasikatan

Liza Soberano, ‘di ipinasok sa ulo ang kasikatan

Liza-SoberanoMASUWERTE SI Liza Soberano, dahil nakalusot sa mga panahong ito ang kanyang kasikatan. Ilang begets din naman sa bakuran ng ABS-CBN ang pinasisikat talaga, at isa na nga sa pinakamaingay ang pagpapakilala patungo sa kasikatan ay si Julia Barretto. Ilang teleserye na rin kasi ang nilabasan ni Liza, at napapansin ‘yung sobrang kasimplehan niya sa pagdadala ng kanyang personality, na sobrang maamo, kaya rumehistro siya sa pagkilala ng mga manonood.

Sobra-sobrang sampol ang patunay ng teleseryeng Forevermore nila ni Enrique Gil sa Kapamilya network, dahil nagustuhan talaga ng mga manonood. Umabot ng anim na buwan sa ere ang kanilang serye, dahil bukod sa mga sumubaybay sa kanilang tambalan, marami ang nagandahan sa kuwento ng kanilang serye. Kaya hindi puwedeng kuwestiyonin na talagang tinutukan ng mga televiewers ang magtatapos nilang palabas.

Ramdam na ramdam ni Liza ang kasikatan niya ngayon. Pero hindi niya ipinapasok sa ulo para ikayabang ang mga pagpuri na kanyang natatanggap ngayon, lalo na ang sinasabi nilang suwerte na naging bida siya sa teleseryeng nagustuhan talaga ng mga tao. Sana nga lang, ang kasikatan ng magandang young actress ay dumiretso na sa pagbibida niya sa pelikula bilang ka-loveteam pa rin si Enrique, dahil bagay na silang dalawa na may kilig ang dating.

ChorBA!
by Melchor Bautista