Liza Soberano, ‘di basta-basta bibigay kay Enrique Gil

Liza Soberano, ‘di basta-basta bibigay kay Enrique Gil

Liza-Soberano-Enrique-GilNATAWA AKO sa reaksyon ng isang LizQuen fan sa Instagram. Nag-post ito ng tanong na: “Hindi kaya sagutin ni Liza (Soberano) agad si Enrique Gil kahit may promise siya na hindi muna siya magbo-boyfriend para makapag-concentrate siya sa kanyang showbiz career?”

Kung mahina ka at walang lakas ng loob na magtiis at panindigan ang pangako mo sa sarili mo at sa mga mahal mo sa buhay na you won’t get into a relationship until sa akmang panahon, malamang sa hindi, sa guwapo ni Quen at pagiging karinyoso, sasagutin mo kaagad ang binata. Araw-araw ka ba namang susuyuin. Araw-araw sasabihin sa iyo ng isang Enrique Gil na “I love you”, deadma na lang ba ang puso mo?

Sabi ng kaibigang Ogie Diaz na manager ng dalaga, “‘Teh, si Liza may disiplina. Kung iba lang siguro siya, kung isang Quen ang dumidiga sa ‘yo na sinusuyo ka araw-araw at ganun kaguwapo, magbibigay agad ako. Hindi na ako mag-iinarte at sasagutin ko na. Kaso hindi ako si Liza. Ako si Ogie Diaz, ‘di ba?” sabay halakhak na tatak-Ogie Diaz.

Sa ngayon, hindi sakit sa ulo ni Ogie si Liza. “Masunurin siya. May pangarap ang bata na kung papalya siya, sayang naman. Ang problema lang namin talaga sa kanya ay ang schedules niya. Walang pahinga ang bata. Kawawa nga, e. After ng Everyday I Love You, pagkatapos ng promo, focus na rin sila sa bagong teleserye nila for ABS-CBN for 2016.

“Mas nakakaloka ‘teh ang schedule namin for Liza next year. Bukod sa bagong teleserye nila ni Quen, naka-line up na ang mga TV Commercials na gagawin niya next year. Ngayon, saan mo isisingit ang lovelife?” kuwento pa ni Ogie sa amin.

Today ang simula ng pelikula ng LizQuen. I’m sure, mamaya, tulad ng nakaugalian ko I want to watch a new Pinoy film on the first day of showing.

Reyted K
By RK VillaCorta