Liza Soberano, deserving sa kasikatan ayon kay Zoren Legaspi

Liza Soberano, deserving sa kasikatan ayon kay Zoren Legaspi

Liza-Soberano-Zoren-LegaspiWALA PANG ballita kung kailan mag-i-end ang Forevermore series na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa ABS-CBN. Dahil sa Forevermore, sumikat ang baguhang si Liza. At para kay Zoren Legaspi, deserve ni Liza ang kasikatang tinatamasa niya ngayon dahil nakita niya kung paano ito magtrabaho sa set ng teleserye.

“Kahit two hours lang ang tulog nu’ng bata (Liza) hindi siya nagrereklamo, sa napakabatang edad niya, napaka-professional na,” kuwento ni Zoren tungkol sa dalaga.

Napapansin ba niya na unti-unti nang nagbabago ang ugali ni Liza lalo na ngayong sikat na ito?

“Kapag superstar na siya, dapat lang talagang magbago. Dapat magkaroon na siya ng cut-off sa taping kasi kailangan nang alagaan ‘yung mukha, ‘yung schedule mas marami na. Kailangang well-rested na lalo na kung may commercial the next day.

“So, ang dapat lang hindi magbago, eh, ‘yung ugali na bigla na lang nagtatapon ng make-up, na kung anu-ano na ang sinasabi. Pero honestly, sa nakikita ko, wala sa personality niya ang magbabago ng ugali. Very charming si Liza,” pagdi-describe pa ng aktor.

Ayon pa kay Zoren, wala ring tendency na maging maldita si Liza kahit pa sikat na sikat na siya.

“Kasi naniniwala ako na dapat ang mga sumikat ay ‘yung mga mababait na artista. Ayoko ‘yung mga sumikat na hindi pala maganda ang ugali. Maldita pala. Kasi hindi naman natin alam agad, eh, na maldita pala.

“Kasi maraming deserving na sumikat. Unang-una ‘yung talent ni Liza, nakita mo naman, 1,000 percent improvement. Pero bet ko talaga ‘yan, at saka si Enrique. Mabait din ‘yan. Wala ring bad attitude,” pagbi-build-up pa ni Zoren sa dalawa niyang kasama sa Forevermore.

La Boka
by Leo Bukas