Liza Soberano, biktima ng fake news!

ADVERTISING

Liza Soberano, biktima ng fake news!

Liza Soberano, biktima ng fake news!
Liza Soberano

KALOKA ang ibang mga netizens sa social media. Sa kagustuhan nila na magkaroon ng madaming mga followers ay kung anu-ano ang mga ginagawa nila just to attract ng sandamakmak na mga followers kahit “fake news” ang ipinu-post nila.

 
Kaya nga warning ko sa mga avid fans ng mga showbiz celebrities ay mag-ingat sa mga taong gusto lang sumikat at the expense of others.
 
Isa sa latest victim ay itong si Liza Soberano na isa sa mga celebrities natin na madami ang mga followers sa kanyang SocMed.
 
Sa kanyang Instagram account alone, she has a followers of more than 6.6 million at hindi pa kasama ang Twitter at ang mga nasa Facebook account niya, meaning madami ang naniniwala sa young actress.
 
Last week, may isang longshot photo na naka-post sa social media na iisipin mo ay si Liza yong subject. Parang naka-Darna outfit na hindi malinaw na may kaganapan sa isang helipad.
 
Kung fan ka ni Liza, iisipin mo na siya yun ang nasa picture na ang dating sa iyo  ay nagsimula na ang shooting ng dalaga for Erik Matti’s Darna for Star Cinema.
 
Yong photo na nag-viral sa SocMed ay isang hoax (fake photo) ayon sa kuwento ng isang reliable insider sa amin. In short, pekeng balita.
 
“Hindi pa po nagsisimula ang shooting niya. Tuloy pa rin po ang training niya sa mga ipinapagawa ni Direk Erik sa kanya,” sabi ng reliable source namin.
 
Actually, pumayat nga si Liza. Sa hirap ng physical training niya, medyo pumayat ang dalaga.
 
Last weekend, when we had lunch with Ogie Diaz (manager of Liza); he told us na pursigido ang dalaga sa training. “Tuloy-tuloy ang page-gym nya at pati na yong training niya na lumilipad. Noong una, medyo may kaba siya sa pinapagawa sa kanya na makakatulong sa pagiging graceful ng paglipad niya. Kawawa nga e. Pagod palagi ang anak ko.
 
“Pero dun naman ako bilib sa kanya, yong passion niya sa work. Kahit ano ang ipagagawa mo, hindi siya umaangal or nagrereklamo,” kuwento nito sa amin.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING