Liza Soberano, biglang iniwan ang pagho-host sa Himig Handog P-Pop Lovesongs 2016

Liza Soberano, biglang iniwan ang pagho-host sa Himig Handog P-Pop Lovesongs 2016

Liza Soberano
Liza Soberano

Umalis na last Sunday evening si Liza Soberano patungong Italy.

That night, sa Himig Handog P-Pop Lovesongs 2016 ang dalaga, kung saan isa siya sa mga host ng composers’ competition at rumarayray pa ay biglang naglaho.

Sa kalagitnaan ng palabas, marami ang nagtatanong sa mga audience sa loob ng Kia Theater kung nasaan na si Liza Soberano at tila biglang nawala sa entablado habang ang kanyang mga co-host na sina Enrique Gil, Kathryn Bernardo, at Robi Domingo ay nandoroon pa at ginagawa ang kanilang hosting job.

‘Yun pala, biglang umiskiyerda ang dalaga at kailangan niyang magtungo ng airport para hindi siya mahuli sa oras na that same evening habang nag-host siya sa Kia ay schedule naman ng flight niya patungong Italya.

Sa Italy, may kukunang importante na mga eksena si Liza kasama si Matteo Guidicelli para sa kanyang hit serye na “Dolce Amore” para sa Kapamilya Network.

Reyted K
By RK VillaCorta