Liza Soberano at Enrique Gil, winner ang loveteam

Liza Soberano at Enrique Gil, winner ang loveteam

Enrique-Gil-Liza-SoberanoPINATUNAYAN AS in winner ang loveteam nina  Liza Soberano at Enrique Gil sa first day of showing ng movie nilang Just The Way You Are ng Star Cinema. Hindi sila nagkamaling gumawa kaagad ng movie na pagtatambalan. After ng top-rating show na Forevermore, heto nga at naka-P12 million ang kinita sa first day.

Bongga, ‘di ba? Kinunsinder na nga silang dalawa ngayon na “the new box-office loveteam”.

At huwag magpapabaya ang lovetem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, dahil baka isang araw ay naungusan na sila.

Nang makausap nga namin si Liza via live phone patch sa Radyo Inquirer Nueve Nuventa, laking pasasalamat niya sa mga sumusuporta sa kanya.

At hindi lang dito sa ‘Pinas, kundi sa Amerika ay magkakaroon sila ng premiere night.

So, hindi na nga maabot sina Liza at Enrique. At sana hindi sila malunod sa isang basong tubig, tulad ng ibang kabataang artista riyan.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!