Liza Soberano at Enrique Gil, perfect sa isa’t isa sakaling magkatuluyan

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, perfect sa isa’t isa sakaling magkatuluyan

Liza-Soberano-Enrique-GilBALIK-TAMBALAN NA naman sina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang Everyday I Love You with Gerald Anderson ng Star Cinema. It’s a romantic drama na dinirek ng box-office director na si Mae Cruz-Alviar na siyang nag-direk ng blockbuster films na Catch Me… I’m In Love, She’s The One, Bride For Rent, at Crazy Beautiful You.

Kakaiba ang pelikulang ito compared sa past movies na nagawa na ni Direk Mae. Magpapakita ng galing sa pag-arte sina Liz, Enrique, at Gerald. Makikita sa pelikula kung hanggang saan ang acting ability ng kanyang mga artista. Maraming highlight ang Everyday I Love You, ayon sa batikang director. Sa trailer pa lang nakaiintriga na ang mga eksena. Ipapakita nina Gerald, Liza, at Enrique ang galing nila as an actor.

Sabi nga ni Direk Mae, malaki na raw ang improvement nina Liz at Enrique sa acting performance na ipinakita nila. Happy siya sa naging resulta, nagawa nila ng tama ang bawat eksena. Palibhasa relax na sa isa’t isa ang dalawa kaya nagampanan nila ‘yung character na pino-portray nila sa pelikula. Inamin ni Liza  medyo naiilang siya nu’ng first scene nila ni Gerald. Alam kasi ng young star na magaling na actor ito. ‘Yung mga sumunod na eksena na relax na ito sa tulong na rin ni Direk Mae.

Nakita ni Direk Mae kung gaano ka-close sa isa’t isa sina Liza at Enrique. Natutuwa siyang pagmasdan ang dalawa tuwing nagbibiruan ito sa harapan niya na parang mga bata. “Kita mo agad sa kanila may chemistry sila together kaya click sa mga fans ang loveteam nila. They’re perfect for each other kung sakaling sila nga ang magkatuluyan,” say ni Direk Mae.

ADVERTISING

Hinayaan muna ni Gerald na maging kampante sa kanya si Liza bago kunan ang mga dramatic scene nilang dalawa. “Gusto kasi ni Direk Mae maging realistic ‘yung mga scenes namin. I’m impress, magaling si Liza nabigyan niya ng justice ‘yung character na pino-portray niya. Maging si Direk ay nagulat, binigay niya ang best sa bawat scene naming dalawa. Masarap katrabaho si Liza, always ready for take. Inaral niya ‘yung script pati mga sequences na kukunan with me and Enrique. She can be a good actress in the near future,” papuring sabi ni Gerald.

Sa sobrang closeness nina Liza at Enrique, marami ang nagsasabing may mutual understanding na sila. Hanggang ngayon very vocal pa rin ang actor sa nararamdaman niya sa dalaga. Kapag tinatanong ang young actress kung saan level na ang relationship nila ni Enrique. Natatawang sasabihin niya, “We’re friends, we enjoy each other’s company. I’m happy sa friendship na mayroon kami sa ngayon. Thankful ako sa Star Cinema dahil binigyan uli kami ng second movie ni Enrique together. Mas binibigyan ko ng priority ang career ko saka na ang lovelife,” turan ni Liza.

Tatakbo ang istorya ng Everyday I Love You sa tatlong pangunahing tauhan sina Tristan (Gerald), Audrey (Liza), at Ethan (Enrique). Maghihintay si Audrey na magising ang kanyang boyfriend si Tristan mula sa kanyang coma. Makikilala niya si Ethan, mahuhulog ang loob ng dalaga rito. Maguguluhan ang isip at puso ni Audrey dahil napamahal na sa kanya si Ethan at biglang magigising si Tristan mula sa kanyang coma. Magiging kumplikado ang sitwasyon, sino kaya sa dalawang lalaki ang pipiliin niya? Ito ang ating alamin, showing on November 28. Abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING