Liza Soberano at Enrique Gil, nagpakilig ng kanilang mga tagahanga sa Trinoma

Liza Soberano at Enrique Gil, nagpakilig ng kanilang mga tagahanga sa Trinoma

Liza-Soberano-Enrique-GilBONGGANG-BONGGA AT very successful ang katatapos na afternoon of dance, music, and fashion na ginanap last Sunday, October 18, 2015 sa the Trinoma Activity Center entitled “Bench Kashieca Love Style” featuring one of this generation’s hottest loveteams na sina Liza Soberano at Enrique Gil na hatid ng Bench at Kashieca.

Si Liza ang image model ng Kashieca, samantalang si Enrique naman ang pinakabagong miyembro ng pamilya ng Bench.

Pinuno ng kilig, hiyawan, at palakpakan ang Entertainment Stage ng Trinoma sa pagsasamang ito ng isa sa itinuturing na hottest loveteam sa bansa na sina Liza at Enrique .

 

Mark Aaron Hernandez, type si Julie Anne San Jose


MAY BAGONG
miyembro ang Walang Tulugan with the Mastershowman  na susunod sa yapak nina Jake Vargas, Hiro Magalona Peralta, Teejay Marquez, at Marlo Mortel na pare-parehong galing sa midnight show ni Kuya Germs Moreno, at ito ang 15 years old  5’11” half German-half Pinoy na si Mark Aaron Hernandez.
Dream daw ni Mark Aaron ang maging artista at makilala katulad ng kanyang fave actors na sina Tom Rodriguez at Coco Martin. Habang gusto namang nitong makapareha sa isang serye ang Kapuso singer-teen actress na si Julie Anne San Jose .
Sa ngayon daw ay nag-a-undergo ito ng singing, acting, at dancing lessons bilang preparasyon na rin sa mga darating niyang projects.

John’s Point
by John Fontanilla