Liza Soberano at Enrique Gil, level-up sa bagong pelikula

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, level-up sa bagong pelikula

Liza-Soberano-Enrique GilPROUD SI Direk Mae Cruz-Aviar na sabihing nag-level-up na ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa latest movie nilang Everyday I Love You ng Star Cinema na showing na sa Oct. 28.

ADVERTISING

“They really delivered in this project. I am very happy with their performance kahit na alam kong mahirap for them. We were able to come up with something new and they have evolved from their past project,” kuwento ni Direk Mae.

“I can say that in this project, yes they’ve leveled up, yes they matured and one thing about them, what’s unique about the love team, kaya talaga nila ‘yung romantic-drama. They have that certain maturity na kaya nila ‘yung mas malalim,” dagdag pa niya.

Binawasan din daw ni Direk ang pagiging magaslaw ni Enrique sa Everyday I Love You.

ADVERTISING

“Kahit hirap na hirap siya na huwag masyadong gumalaw and he like the challenge, he liked that he is playing somebody so different from him and natutuwa ako na when we were watching ‘yung mga na-shoot na namin, I am seeing the character and not the person,” komento pa ni Direk Mae.

Kasama rin sa Everyday I Love You si Gerald Anderson.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING