Liza Soberano at Enrique Gil, kasal na lang ang kulang

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, kasal na lang ang kulang

Liza-Soberano-Enrique-GilI’M SURE kilig na naman ang mga LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil) fans ng dalawa lalo pa’t halos araw-araw ay palapit nang palapit ang kanilang mga puso.

ADVERTISING

The last time na nakita namin sila on TV was during the promo of their movie Just the Way You Are from Star Cinema. Alam mo na may “something” na nagaganap between the two na wala nga lang confirmation mula sa dalaga, lalo’t hindi pa siya nagde-debut.

Pero si Quen, masayang-masaya dahil ang tawag sa kanya ng pamilya ni Liza ay “manugang”, na nang itawag sa kanya ang salitang ito, delayed reaction pa nga ang binata dahil hindi niya gets kung ano ang ibig sabihin ng “manugang”.

Nang maintindihan ang salitang “manugang”, harap-harapang sambit ng binata nang ma-interview sila ni Kuya Boy Abunda sa show nitong Aquino and Abunda Tonight last Wednesday evening ay, “Kulang na lang kasal.” Kita pa ang labis na katuwaan sa binata.

ADVERTISING

Dati pala, not that close ang dalawa dahil at the time na nagsimula pa lang si Liza sa showbiz, batam-bata pa siya at wala pang kamuwang-muwang. Now that she’s turning 18 late this year, medyo nag-o-open up na rin si Liza at marunong nang i-share sa iba ang kanyang nararamdaman. Sini-share niya paminsa-minsan ang saya, ang inis, at ang mga happy moment nila ng binata. Hindi man inaamin na may feeling na rin siya sa binata, alam ko, at basang-basa ko sa mga mata niya at ikinikilos na may soft spot si Enrique sa puso niya.

‘Yun nga lang, hindi dapat madaliin ni Quen ang dalaga na mapasagot at makuha ang matamis nitong “oo”, dahil baka sa pagmamadali ay mapurnada pa. Okey na muna ngayon na ang closeness nilang dalawa ay maaalalayan at hindi dapat madaliin, para matibay ang pundasyon, para mas maganda ang simula ng tunay na pag-iibigan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Tama, ‘di ba?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING