Liza Soberano at Enrique Gil, bagong box-office royalties

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, bagong box-office royalties

Enrique-Gil-Liza-SoberanoBAGONG BOX-OFFICE royalty na ang tawag ngayon sa tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa pagpatok sa takilya ng kanilang kauna-unang movie team-up na Just The Way You Are na nag-open sa mga sinehan nu’g June 17. Imagine, umaatikabong P12-M ang kinita sa opening day pa lang ng pelikula, huh!

Nakagawa na naman ang Star Cinema ng bagog box-office sensation sa katauhan nina Liza at Enrique kaya abot-tenga ang ngiti ng dalawa na pinatunayang hindi lang sila TV stars kundi movie stars na rin, huh!

Hindi ini-expect ng Star Cinema na magiging ganu’n kalakas ang opening ng pelikula na parang Piolo Pascual at Toni Gonzaga starrer sa Starting Over Again na P12-M din ang opening gross nu’ng ipinalabas ito last year. Ang tindi ng LizQuen, ‘di ba?

Anyway, base sa reaksyon ng mga nakapanood, ibang-iba raw ang Just The Way You Are sa Forevermore series ng dalawa. Pati raw mga karakters na ginampanan nila sa movie ay ibang-iba dahil sa nag-mature sila sa pelikula.

ADVERTISING

Congrats Liza, Enrique, and Star Cinema sa super successful na Just The Way You Are!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING