Liza Soberano at Enrique Gil, bagong Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Liza Soberano at Enrique Gil, bagong Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

1 Enrique-Gil-Liza-SoberanoAFTER WATCHING Star Cinema’s Just the Way You Are sa first day of showing last Wednesday, tama ang hinala ko na pareho kami ng nasa sa isip ng mga pamunuan ng Star Cinema, na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang bagong John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa liga ng mga kabataang artista na nasa hanay nila.

ADVERTISING

Hindi sina Kathryn Bernardo or Daniel Padilla ang papalit sa trono nina Lloydie at Bea. Hindi rin sina Julia Baretto at Iñigo Pascual ang uupo sa trono ng dalawa na nag-level up na.

Cute ang tambalan nila. Aliw ako sa ng hotdog scene nina LizQuen, ang pa-cute ng binata sa pelikula na bagets na bagets ang peg, pero not to forget ang mga hugot scenes ng dalawa lalo na si Liz na damang-dama mo habang pinanonood mo siya, ang bagets na ito will be the next Bea Alonzo ng showbiz.

Ngayong araw, Friday at nakatakdang umalis patungong USA ang dalawa para dumalo sa block screening ng pelikula nila.

ADVERTISING

Sa US, muling makikita in person ni Liza ang ina niya na naka-based sa Sta. Clara, California (near San Jose sa may Bay Area) after almost 7 years. Sa Skype lang daw nakapagko-communicate ang dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING