Litrato ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, binigyan ng malisya ng netizens

ADVERTISING

Litrato ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, binigyan ng malisya ng netizens

Piolo Pascual & Iñigo Pascual
Piolo Pascual & Iñigo Pascual

Ang social media talaga, mas maurirat pa kumpara sa mga entertainment reporters writers. Sa katunayan, sila ang mas malisyoso. Sila ang mas intrigero’t intrigera na sa isang simple picture ay gagawan nila ng kuwento.

Sa naglabasang picture ng mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual na nakahiga ang dalawa sa sahig (malamang nagre-relax) at ang anak ay nakahilig ang ulo sa dibdib ni Papa P, kuwento at interpretasyon ng iba ay “incest” daw ang itinatawid ng litrato.

It’s unfair sa mag-ama na bigyan malisya ang picture na naka-post. Hindi makatarungan na bigyan ng ibang kahulugan ang litrato na alam mo na may intensyon na sirain ang closeness ng mag-ama.

Based sa konting impormasyon na nakuha namin, almost two months hindi nagkita ang mag-ama dahil sa kabisihan ni Papa P ay binibigyan ng mga mapanglait  na netizen ng malisya ang closeness ng dalawa.

ADVERTISING

Ang basa ko at interpretasyon sa picture: parang baby pa rin ang turing ng akor sa anak kahit na binatang-binata na si Iñigo. Sa picture, tila naka-idlip si Iñigo, naglalambing sa ama na ayon sa mga inside info na nakukuha namin ay super close talaga ang dalawa.

Tama ang sagot ni Papa P sa mga bashers niya sa social media na inggit lang sila pertaining to the closeness of the father and son.

Sabi ng mga taga-showbiz tulad ng very opinionated naming kaibigan na si Jobert Sucaldito, “That’s a very sweet picture of the mag-ama and should not be misinterpreted. Deadma sa mga malisyoso – sarap kayang tingnan ang ganitong pics ng mag-anak. Good vibes, kumbaga.”

Maging ang kaibigang Elmer Reyes na dating field correspondent ng mga showiz entertainment show sa TV5, sabi niya sa pamba-bash ng mga netizen sa mag-ama, “Bashers will be bashers.”

Reaksyon ni Leo Bukas, contributor sa Push.com  at co-columnist natin sa Pinoy Parazzi, “Mga walang magawa. Mga malisyoso at malisyosa. Eh, ano naman kung yakapin ng anak ang kanyang ama? Nakakaloka kayo, ha!”

Tama lang na mainggit ang mga nega-bashers nina Piolo at Iñigo. Hindi lahat ay nabibigyan ng masayang relasyon sa kanilang mga anak. Kapag may nakikita silang mga tao na happy at kuntento sa buhay nila, ang mga nega ay lalong nag-iinit at naiinggit.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING