Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber

ADVERTISING

Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber

Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber
Liza Soberano

BLESSING IN DISGUISE na rin ang hindi pagkakatuloy ng concert ng Canadian pop singer-superstar na si Justin Bieber dahil madami sa mga showbiz personalities natin from Star Magic ang hindi talaga makakanood ng kanyang concert na dapat ay sa darating na September 30 dahil sa dami ng projects na dapat munang pagtuunan ng pansin.

ADVERTISING
 
 
Isa si Liza Soberano kasi sa nag-advance purchase ng tickets for the said concert. Kahit hindi man siya makakapanood ng nasabing show (bago ito nakansel), ang mga tickets ay nakalaan sa relatives and friends ng dalaga.
 
Like fellow Star Magic talents: Liza Soberano, mas priority ang trabaho over Justin Bieber
Liza Soberano

Sa ngayon, update ni Ogie Diaz sa amin, patuloy pa rin ang training ng dalaga (physically) bago magsimula ang shooting ng Darna.

 
”Kailangan niya maging ready. Napaka-pisikal ng role niya. Gusto niya, siya ang gagawa ng mga stunts niya. Ayaw niya ipa-double,” pagbabalita ng manager niya sa amin.
 
As of this writing, wala pa rin napipisil na leading man si Liza. Wala pa rin napipili para sa role na kapatid ni Darna (Narda) na si Ding.
 
Nilinaw na rin ni Daniel Padilla ang tsika na siya ng magiging kapareha ng dalaga na sabi nga ng bintana sa isang panayam:”Bakit ako? Walang ganun,” panigurado ng binata sa mga baliw na fans.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING