LIKE FATHER, LIKE SON: Rap Fernandez, mana sa ama na si Daboy

ADVERTISING
RK Villacorta

TULAD ng ama na si Rudy Fernandez, tila namana yata ng aktor na si Rap Fernandez ang ugali ng ama na si Daboy.

Isa sa kinagigiliwan na traits ng yumaong action star ay ang pagiging galante at open nito sa mga entertainment press. Lagi tumutulong sa showbiz.

ADVERTISING
LIKE FATHER, LIKE SON: Rap Fernandez, mana sa ama na si Daboy
Rap Fernandez

Sa recent episode ng online show nina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin with Mr. Fu on the side na “Take it… Per Minute! (Me Ganun)” na napapanood every Tuesday from 12:00 NN to 1:00 PM, guest nila ang anak nina Daboy at Lorna Tolentino.

After ng Q and A for the show, si Manay Lolit, tinawag si Rap at kinuha ang wallet ng aktor na namumutok ng laman sa pera sa loob nito.

Nakakatuwa, si Manay Lolit, isa-isa pinagbibigyan ang mga reporters na present sa show ng tig-P1,000. Maging ang ibang mga kasamahan (production staff members) ng online show ay naabutan din.

ADVERTISING

Walang reklamo si Rap. Nakangiti lang. Galante ang aktor na marunong mag-share ng konting biyaya.

Mangharbat man si Manay Lolit sa mga anak-anakan niyang artista at mga talents sa kuwadra niya, sine-share naman naman niya ito sa mga reporters na mas nangangailangan kaysa sa kanya.

LIKE FATHER, LIKE SON: Rap Fernandez, mana sa ama na si Daboy
Mr. Fu, Lolit Solis, Cristy Fermin and Rap Fernandez

Almost P15,000 ang nakuhang pera ni Manay Lolit sa wallet ni Rap na kahit katiting ay wala itong reklamo at napapangiti na lang kaya sa traits na ito ni Rap na very Daboy ay rason para hindi tumigil ang grasya dahil hindi ito maramot at nagbabahagi.

Ang online show nina Manay Lolit at Cristy ay malapit na mag-celebrate ng kanilang one year anniversary.

ADVERTISING