LIFE GOES ON: Bea Alonzo, certified Kapuso na!

LIFE GOES ON para kay Bea Alonzo. Pagkatapos ng dalawang dekadang pananatili sa ABS-CBN ay tuluyan na itong nag-move on sa kanyang exciting showbiz career sa pamamamagitan ng paglipat sa GMA.

Yes, certified Kapuso na ang isa sa reigning movie queens ng Pilipinas na si Bea Alonzo!

LIFE GOES ON: Bea Alonzo, certified Kapuso na!
Bea Alonzo

Pagkatapos ng ilang buwang negosasyon ay natuloy din ang paglipat ng award-winning actress sa kanyang bagong home network. Blooming si Bea Alonzo sa ginanap na virtual press conference na inihanda para sa kanya. Siya ay buong pusong winelcome ng mga GMA Prime artists tulad nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Alden Richards, na magiging leading man niya sa upcoming film na ‘A Moment to Remember’.

Marami ang nabigla sa career move na ito ni Bea, pero nilinaw niya na nakapagpaalam siya ng maayos sa mga dating bossing sa kanyang original home network.

“When the deal was 99% final–it was the first-time that I met them via Zoom, my bosses. The next day I called my boss before in ABS who was Sir Carlo [Katigbak].”

“And I asked for his blessing and, siyempre, it was a very emotional call, it was a very emotional phone call hindi mo maalis that 20 years of my life I spent there.”

Dagdag niya, “I mean, being with them and so, you know, what he wished me well and that he wished me good luck.

“Kasi, ganun naman talaga, hindi ba? Life must go on and I’m happy that I had his blessing, before being here and so all is well.”

Halatang masaya si Bea sa bagong kaganapan sa kanyang karera.

Pag-amin niya, “Sa totoo lang, kung magiging honest ako, surreal itong nangyayari.

“Sa totoo lang po, hindi ko maipaliwanag kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko ngayon.

“Parang I’m excited, I’m nervous, I’m scared, I’m so happy all rolled into one.

“Doon sa mga mensahe ng mga Kapuso star and our Kapuso bosses, talagang napakasaya ng puso ko ngayon and I know that this day will be very special but hindi ko akalain na gagawin ganitong ka-espesyal and thank you for making me feel valued and loved ngayon pa lang. Salamat po!”

Exciting ang mga maaaring mangyari hindi lang sa karera ni Bea Alonzo kundi maging sa Kapuso Network. Sino kaya ang masuwerteng magiging leading man ng dalaga sa bago nitong primetime show? Will it be a reunion with her forever onscreen partner John Lloyd Cruz, or with good friend Dingdong Dantes? Or with fellow Star Circle batchmate Dennis Trillo? Or will it be with Alden Richards? Abangan!

Previous articleKAHIT PANALO ANG RATINGS: First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, magtatapos na (may book 2?)
Next articleKALMA LANG! Anne Curtis, umalma sa balitang babalik siya sa GMA