Lianne Valentin, kinakainisan bilang Stella sa ‘Apoy sa Langit’

EVERY YEAR ay may mga artistang pinanggigigilan ang mga teleserye viewers partikular ang mga gumaganap bilang mistress o kabit.

In the recent years ay mas napansin ang mga artista tulad nina Ryza Cenon, Yam Concepcion at Claire Castro na sa sobrang gigil ng mga tao sa galing nila sa pang-iinis ay nagiging fans sila.

Lianne Valentin, kinakainisan bilang Stella sa 'Apoy sa Langit'
Lianne Valentin

Ang ex-child star turned sexy villain na si Lianne Valentin ang bagong teleserye mistress na pinanggigigilan ng mga tao. Si Lianne ang gumaganap na Stella sa toprating afternoon series ng GMA na ‘Apoy sa Langit’. Sa istorya ay nagpanggap si Stella bilang anak ni Cesar (Zoren Legaspi) at iniiputan nila sa ulo si Gemma (Maricel Laxa).

Kahit na controlled ang mga sexy scenes nina Lianne at Zoren ay marami pa rin ang nahi-high blood dahil sobrang obsessed ni Stella kay Cesar. Kahit na ito ang first major kontrabida role ni Lianne ay naipakita na niya ang kanyang acting prowess at kinaya niyang makipagsabayan kina Zoren at Maricel.

Sa panayam sa kanya ng GMA Network ay naging emosyonal si Lianne nang tanungin tungkol sa kanyang pagganap bilang Stella.

Sa lahat po ng nanonood ng Apoy sa Langit, alam ko na nanggigil kayo. May mga nakita akong comments na gusto na nilang pumasok sa TV nila para lang sabihin kay Ning (Mikee Quintos) at Gemma (Maricel Laxa) na si Cesar (Zoren Legaspi) at Stella hindi sila mag-tatay, ganyan.”

Natutuwa naman si Lianne na marami ang sumusubaybay sa kuwento ng kanilang serye.

“Si Stella gusto niyo nang sabunutan, kurutin, sampalin ganyan pero nandoon pa rin ‘yung support nila.”

“Meron nga akong nakitang comments na, ‘naiinis na ako na ayoko na manood pero nanonood pa din ako,’ yung ganung pagka-hook nila na nakakatawa na nakakatuwa na nakakaiyak din at the same time.”

Lianne Valentin, kinakainisan bilang Stella sa 'Apoy sa Langit'
Lianne Valentin with Zoren Legaspi

Kahit na marami ang gigil sa kanyang karakter ay thankful pa rin ang dalaga sa big break na ipinagkatiwala ng Kapuso Network sa kanya.

“May mga times na nagbabasa ako ng comments nagiging emotional ako kasi ‘di ko inexpect yung journey namin sa Apoy sa Langit na ganito yung magiging kalalabasan. So pinapasalamatan ko talaga lahat ng nanonood at sumusubaybay at tutok talaga araw-araw sa Apoy sa Langit.

“Thank you for the support and thank you dahil ‘yung bawat character, na-aappreciate nila. Nakikita nila ‘yung uniqueness in each character. Nakikita ko ‘yung pagka-hook nila in every character nakikita ko talaga sa mga comments.”patuloy na pasasalamat ng rising Kapuso drama actress.

Previous articleKyle Echarri sa kapatid na si Bella: ‘She’s always been the center of my life’
Next articleDating ‘Ang Probinsyano’ star na si Stacey Gabriel sasabak sa 2022 Binibining Pilipinas pageant