Lian Paz, may iba nang lalaki?!

ADVERTISING

[imagebrowser id=362]Lian  Paz, may iba nang lalaki?!

MUKHANG MABILIS na naka-move on si Lian Paz matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Paolo Contis, kung saan nagbunga ng dalawang supling ang kanilang pagsasama.

Sa natanggap naming mga litrato, nakuhanan si Lian na may kasamang ibang guy sa Enchanted Kingdom kamakailan lang. Mapapansin sa mga litrato na tila enjoy lang si Lian at mukhang naka-get over na sa problema nila ni Paolo.

Matatandaang nauwi sa ‘word war’ ang hiwalayan nina Lian at Paolo, kung saan iba’t ibang akusasyon ang ibinabato ng bawat kampo sa isa’t isa na ugat ng pagtatapos ng kanilang relasyon. Nan’dyang nadawit pa ang pangalan ni Jennylyn Mercado na umano’y ‘other woman’ ni Paolo. Maging si Gladys Guevarra ay umaray sa pasaring ni Paolo na umano’y may malalapit silang kaibigan na nanunulsol o nanggagatong pa sa kanilang problema. Maging ang pagiging sugarol umano ni Paolo at pagkakabaon sa utang ay naungkat at naisapubliko.

Medyo humupa na rin naman ang tensiyon kina Lian at Paolo. Ang tanong lang, muli kayang mag-init ang isyu, lalo pa’t may ‘ibang lalaki’ na nakikitang kasa-kasama ni Lian? O ito na kaya ang tuluyang magbibigay ng tuldok sa kanilang relasyon?

ADVERTISING

By Dani Flores

Parazzi Wires Photos

Hulicam

ADVERTISING