Lexi Gonzales, Kim De Leon at Anjay Anson magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan’

NAAALALA MO ba ang iyong childhood bestie na naging crush mo? What about your first ever celebrity crush? Paano kung ang dalawang lalaking importante sa’yo ang nagpakita ng intensyon na ligawan ka? Sino sa kanila ang pipiliin mo?

Lexi Gonzales, Kim De Leon at Anjay Anson magpapakilig sa 'Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan'
Anjay Anson, Lexi Gonzales and Kim De Leon

Ito ang nakakakilig na premise ng upcoming episode ng Regal Studio Presents sa Sunday entitled ‘Magkaibigan, Nagkaibigan‘. Ito ay pinagbibidahan ng Starstruck 7 winners na sina Kim De Leon at Lexi Gonzales at ang bagong actor/model ng Kapuso network na si Anjay Anson.

Sa trailer pa lang ay malakas nang makabagets ang romcom na ito. Si Lexi Gonzales ay gaganap bilang Lanelle, isang bubbly girl na pangarap maging dancer at gusto niyang ma-meet ang kanyang iniidolong aktor na si Arjun Singh, na ginagampanan naman ni Anjay Anson. Si Kim De Leon naman ang ever-supportive BFF ni Lanelle named Jared na matagal nang may feelings para sa kanyang kaibigan, pero torpe ito at ayaw niyang masira ang kanilang friendship.

Paano kung dumating ang araw na mami-meet na ni Lanelle ang kanyang pinapantasyang si Arjun? Nganga na lang ba si Jared at friendzoned for life?

Last Sunday ay laughtrip episode ang handog ng Regal Studio Presents kung saan nagbangayan ang dalawang magagandang beauty queens para sa pagtingin ng isang triycle driver at loyalty ng kani-kanilang customers sa Karinderya Queens. This time naman ay kilig-kiligan na pang-high school at pang fangirl life ang kanilang inihahain sa manonood.

Panoorin natin sa Sunday, 4:35 PM after Dear Uge ang Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan. In fairness, may spark ang love triangle nila! Ano sa tingin niyo?