Lexi Gonzales at Juan Carlos Galano magtatambal sa ‘Regal Studio Presents: My Third Wish’

PAANO kung ang humidifier na iyong nabili ay may kasama pa lang freebie na hunk genie?

Ito ang nakakaaliw na kuwentong handog ng Regal Studio Presents ngayong Sunday sa episode na pinamagatang ‘My Third Wish‘ na pinagbibidahan nina Lexi Gonzales at newbie hunk actor na si Juan Carlos Galano.

Lexi Gonzales at Juan Carlos Galano magtatambal sa 'Regal Studio Presents: My Third Wish'
Juan Carlos Galano and Lexi Gonzales

Stressed na sa buhay ang call center agent na si Tina (played by Lexi Gonzales). Sa dami ng mga responsibilidad na kailangan niyang harapin ay mapapaorder na lang ito ng moodlamp humidifier to ease her stress. Kaso, pagkatapos i-rub at sayawan ang bagong budol niya ay may isang hunk genie named Jin (played by Juan Carlos Galano) na lumabas! Amazing!

Kung noon ay sa lampara o bote lumalabas ang genie, ngayon ay sa humidifier na!

May tatlong kahilingan na puwedeng ibigay si Jin sa kanyang bagong master na si Tina. Ano kaya ang third wish niya?

Exciting ang bagong tambalan na ito. Pangalawang beses na ni Lexi Gonzales na lumabas sa Regal Studio Presents at isa sa paborito namin ang ‘Magkaibigan, Nagkaibigan’ kung saan siya ay gumanap bilang isang fan girl na torn between her idol (Anjay Anson) and her bestfriend na crush niya rin pala (Kim De Leon).

This time ay sa newbie hunk actor na si Juan Carlos itatambal si Lexi. Kasali rin siya sa ipapalabas na Raya Sirena The Series kung saan gagampanan niya ang papel na Bulan. Kung sa Raya Sirena ay hari siya ng karagatan, isa naman siyang funny genie named Jin sa ‘My Third Wish’. Kasama rin sa episode si Kent Gonzales bilang Jason.

Kiligin ngayong Sunday afternoon at 4:35 sa Regal Studio Presents: My Third Wish pagkatapos ng Raya Sirena at The Best Ka!

Previous articleTop 7 Angel Locsin Movies to Watch
Next articleJake Cuenca kinumpirma ang hiwalayan nila ni Kylie Verzosa