Home Parazzi Made Photostories LET’S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!

LET’S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!

0
LET’S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!
Miguel Tanfelix as Steve Armstrong and Ysabel Ortega as Jamie Robertson

SA WAKAS ay inilabas na ngayong gabi ang dalawa pang bida ng live-action adaptation ng Voltes V: Legacy na mapapanood na natin soon sa GMA-7.

Kung noong Lunes ay nakilala na natin ang bagong Mark, Big Bert at Little Jon, ngayon ay makikilala na natin sina Steve Armstrong at Jamie Robinson.

LET'S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!
Miguel Tanfelix as Steve Armstrong and Ysabel Ortega as Jamie Robertson

Ang homegrown Kapuso talent na si Miguel Tanfelix ang Pinoy Steve Armstrong habang ang Kapamilya turned Kapuso na si Isabel Ortega ang bagong Jamie Robinson. Ito mismo ang nakumpirma ngayong gabi sa live telecast ng 24 Oras.

“Ang sarap sa pakiramdam, para akong nasa cloud nine at tuwing gigising ako sa umaga I’m so pumped eh,” masayang sambit ni Miguel Tanfelix sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas.

LET'S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!
Miguel Tanfelix as Steve Armstrong

Si Steve Armstrong and lider ng grupo. Siya ang piloto ng Volt Cruiser na nagta-transform as Voltes V’s head.

Nang tanungin kung ano ang ginagawang preparasyon ng binata para sa challenging role na ito, “Si Steve leader siya e so dapat alam ko kung paano umasta bilang isang leader, paano ‘yung confidence niya and of course nagbabasa din ako ng mga books about leadership at nakikinig ako ng mga podcasts,”.

Si Jamie Robinson na ngayo’y gagampanan ni Ysabel Ortega ang nag-iisang babae sa grupo. Siya ang ninja pilot na may hawak ng Volt Lander, na nagta-transform naman into Voltes V’s feet.

LET'S VOLT IN! Kilalanin ang bagong Steve Armstrong at Jamie Robinson ng Voltes V Legacy!
Ysabel Ortega as Jamie Robertson

“Even before na mag-start pa ‘yung official training namin gusto ko na magkaroon na ko kahit man lang ng konting background sa martial arts, sa kickboxing, sa Muay Thai so I can say na I’m more than ready,” ani Ysabel sa maituturing na biggest break niya sa showbiz.

We’re happy to say na buo na nga ang Team Voltes V! Nauna nang ibinalita na sina Radson Flores (Mark), Matt Lozano (Big Bert) at Raphael Landicho (Little Jon) bilang cast members.

Ngayon ay sabik na rin kami kung sinu-sino ang mga napiling kontrabida. May mga hula na kami, pero mas exciting ang pa-grand reveal nito!