Lester Llansang, maraming kilalang naka-maskara sa showbiz

Lester Llansang, maraming kilalang naka-maskara sa showbiz

John-Fontanilla-Lester-LlansangVERY HONEST ang mahusay na aktor na si Lester Llansang na sa showbiz ay marami kang makikitang mga naka-maskara, mga taong akala mo mabait kapag kaharap ka, pero sinisiraan ka kapag nakatalikod ka.
Hindi na nga lang daw ito pinapansin ni Lester at pinaghuhusay na lang ang kanyang trabaho. Mas mahalaga raw ang trabaho kay Lester, kumpara sa bigyang oras pa ang mga taong naka-maskara.
And speaking of maskara, ka-join si Lester sa pelikulang Maskara mula sa direksiyon ni Genesis Nolasco at isa sa 8 kalahok sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival Philippines 2015. Kasama ni Lester sa pelikula sina Ping Medina, Lance Raymundo, at Boots Anson Roa.
Bukod sa Maskara, kasama rin si Lester sa pinakabagong soap ni Coco Martin na Ang Probinsiyano na halaw sa pelikula ng Da King na si Fernando Poe, Jr.

John’s Point
by John Fontanilla