Lester Llansag, pinatunayang ibang klase ang ugali ni Coco Martin

Lester Llansag, pinatunayang ibang klase ang ugali ni Coco Martin

Lester-Llansang-Coco-MartinIBANG KLASE talaga ang ugali nitong si Coco Martin. Para siyang kawayan na habang tumatayog ay laging nakayuko ito. ‘Di siya tulad ng iba na sobrang mapagmalaki na at yabang talaga ang umiiral.

Napag-alaman kasi namin na siya pa ang tumatawag sa mga artistang walang trabaho. At para magkaroon ng work, siya itong nagpipilit na mag-audition ang mga artistang nakasama na niya.

Isang pagpapatotoo na nga ang pahayag nitong si Lester Llansang  na tinawagan siya ni Coco para um-attend ng casting call. “Mabait talaga siya. Tinawagan pa niya ako at sabi na huwag na hindi ako pumunta sa casting call ng “Ang Probinsiyano” na bagong serye ng ABS-CBN 2. Wala akong masabi,” sey niya.

Nagbunga naman dahil kasama siya sa said teleserye.

Napag-alaman din namin na nasa pangangalaga ng kaibigang Ogie Diaz si Lester. May movie rin siyang Maskara sa New FIlipino Cinema, a section of World Premieres Film Festival 2015, and directed by Genesis Nolasco.

Ramdam na ramdan na nga natin si Lester. Alam n’yo bang nagtututro na rin siya ng basic acting sa mga gustong pasukin ang showbusiness.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!