LESSON LEARNED! Noven Belleza, di na puwedeng magpagala-gala at basta magtiwala sa mga hindi kakilala

ADVERTISING

LESSON LEARNED! Noven Belleza, di na puwedeng magpagala-gala at basta magtiwala sa mga hindi kakilala

LESSON LEARNED! Noven Belleza, di na puwedeng magpagala-gala at basta magtiwala sa mga hindi kakilala
Noven Belleza

FINALLY, nai-launch na rin ang debut album ng Tawag Ng Tanghalan Grand Champion na si Noven Belleza titled Ako’y Sa Yo na na-delay nang konti dahil sa isyung kinasangkutan niya kamakailan lang sa isang bar sa Cebu.

Ayon kay Noven, marami siyang natutunan sa nangyari.

“Lubos ko pong naintindihan na, ‘Ah, hindi na pala ako ang dating Noven na puwedeng gumala-gala kung saan-saan.’

“Tapos ngayon po, natutunan ko po na huwag nang basta magtiwala agad sa tao na hindi mo kilala at dapat pipiliin ang taong pagkakatiwalaan at sasamahan,” wika ni Noven.

ADVERTISING

Samantala, kahit na-dismiss na ng korte ang sexual harassment case na isinampa laban sa kanya ng dati ring TNT contender from Cebu ay wala na raw siyang balak makipagkaibigan dito.

 

“Hindi na po. Kasi ayoko nang ano… gusto ko ng kalimutan yung nangyari. Ang laki ng dinulot niya (gulo) sa pamilya ko, hindi lang sa akin,” sambit pa ng singer.

Samantala, kasama sa Ako’y Sa Yo album ni Noven ang mga kantang Lupa, Sino Ako, Problemang Puso, Tumahan Ka Na at ang OPM classic ni Rey Valera na Kung Kailangan Mo Ako at Nais Kong Ibalik.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING